MINE EXHIBIT, ISINAGAWA SA LUNGSOD NG SANTIAGO

Cauayan City – Isinagawa ang “Mine Exhibit” sa Robinsons Santiago, Isabela na layuning ipalaganap ang kaalaman tungkol sa industriya ng pagmimina sa Cagayan Valley Region.

Tampok sa exhibit ang mga makabago at edukasyonal na presentasyon mula sa mga pangunahing kumpanya ng pagmimina sa rehiyon na pinangunahan ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) Region 2.

Layunin ng exhibit na ipakita kung paano nakakatulong ang responsableng pagmimina sa pag-unlad ng lipunan, pagpapalakas ng mga komunidad, at pangangalaga sa kalikasan.

Magsisilbing gabay ang exhibit para sa mga nais mas maunawaan ang papel ng pagmimina sa sustainable development.

Bukas ang exhibit hanggang ngayong araw, June 11, 2025 kaya huwag palampasin ang pagkakataong makibahagi at matuto tungkol sa kahalagahan ng responsableng pagmimina.

Facebook Comments