
Malaking tulong ang isinasagawa ngayong 2026 Southeast Asian Ombudsman Forum (SEAOF) Full Members Meeting para sa pagresolba ng mga kasong iniimbestigahan ng Ombudsman.
Ang regional multilateral network ng Ombudsman institutions at public complaints agencies ay nilalahukan ng mga bansang Indonesia, Thailand, Pilipinas, Malaysia at Timor-Leste sa forum na isinasagawa sa isang hotel sa Pasay City.
Sa pagtatanong ng DZXL RMN Manila kay Deputy Ombudsman Jose Balmeo Jr., Deputy Ombudsman for Military and other Law Enforcement Offices, malaking tulong ang forum para matutunan din ng Pilipinas ang mga estilo ng pag-iimbestiga ng ibang bansa.
Sa pamamagitan nito ay mapapabilis ang pagresolba at mapapalakas pa ang kasong iniimbestigahan ng Ombudsman.
Mahalaga rin aniyang maibahagi rin ng Pilipinas ang kanilang mga kasanayan sa pag-iimbestiga para magamit ng ibang bansa.










