Monday, April 27, 2026

DRRMO ALAMINOS NAGBABALA SA KALUSUGAN PATUNGKOL SA USOK MULA SA SUNOG

Naglabas ng paalala ang Disaster Risk Reduction and Management Office Alaminos City, sa kalusugan hinggil sa panganib na dulot ng usok mula sa sunog, na maaaring magdulot ng masamang epekto sa kalusugan ng publiko.

Ayon sa DRRMO, ang pagkakalanghap ng makapal na usok ay maaaring magdulot ng hirap sa paghinga, matinding pag-ubo, at iritasyon sa lalamunan.

Dahil dito, pinapayuhan ang mga residente na huwag balewalain ang mga nasabing sintomas at agad na mag-ingat kapag ito ay nararanasan.

Inirekomenda rin ng mga eksperto na iwasan ang matagal na pananatili sa labas, lalo na kung mataas ang antas ng usok sa kapaligiran.

Kung kinakailangang lumabas, mahalagang magsuot ng face mask upang mabawasan ang paglanghap ng mapanganib na particle.

Dagdag pa rito, hinihikayat ang lahat na manatili sa loob ng bahay hangga’t maaari at tiyaking nakasara ang mga bintana at pinto upang maiwasan ang pagpasok ng usok.

Patuloy namang pinaalalahanan ang publiko na manatiling mapagmatyag at sundin ang mga abiso ng kinauukulan upang mapanatili ang kaligtasan ng bawat isa sa gitna ng ganitong sitwasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments