Monday, April 27, 2026

Sen. Risa Hontiveros, ikinukunsidera pa rin ang pagtakbo sa 2028 National Elections

Naghahanda at seryosong ikinukunsidera ni Senator Risa Hontiveros ang pagtakbo sa pagka-Presidente sa 2028 National Elections.

Ito ang inihayag ni Hontiveros matapos na ianunsyo ni dating Vice President at ngayo’y Naga City Mayor Leni Robredo na wala siyang balak na tumakbo sa mas mataas na posisyon sa 2028.

Ayon kay Hontiveros, paulit-ulit na rin niyang sinabi sa tuwing matatanong na handa siya at sa ngayon ay seryoso niyang pinagiisipan ang pagtakbo sa pampanguluhang halalan.

Wala pa sa ngayon na inaanunsyong standard bearer para sa presidential elections ang Liberal Party.

Samantala, sinabi ni Hontiveros na iginagalang niya ang desisyon ni Robredo na manatili sa lokal at hindi tumakbo sa 2028.

Facebook Comments