
Isang maling click, puwede kang ma-scam.
Kaya’t maging mas maingat at mapanuri. Tandaan: STOP, CHECK, REPORT, PROTECT.
Kapag may duda, stop muna, i-check ang detalye, i-report ang kahina-hinalang transaksiyon, at siguraduhing laging protektado ang iyong account.
As a reminder, huwag basta magtiwala sa text, email, o tawag na hindi mo inaasahan na naglalaman ng kahina-hinalang mensahe at link. Huwag kailanman ibahagi ang iyong OTP, PIN, password, o CVV, at laging i-verify ang sender gamit ang official channels ng bangko. Siguraduhin din na magdownload lamang ng mobile applications mula sa mga lehitimo at opisyal na sources tulad ng Google Play Store, Apple App Store, or Huawei AppGallery.
Huwag din ipahiram o ipagbili ang inyong account, kahit ito ay request ng kamag-anak, kaibigan, o sinumang nangangako ng pinansyal na kapalit para gamitin o daanan ng isang illigal na transaksiyon.
Sa ilalim ng Anti-Financial Account Scamming Act o AFASA, mabilis ang aksyon kontra scam, mas protektado ang pera mo.
Isang paalala mula sa LANDBANK — empowering Filipinos for a better future.










