DPWH REGION 1, TULOY-TULOY ANG DREDGING SA SINUCALAN RIVER SA CALASIAO

Patuloy ang dredging operations ng Department of Public Works and Highways o DPWH Region 1 sa Sinucalan River na sakop ng Barangay Banaoang, Calasiao, Pangasinan, bilang bahagi ng mga hakbang upang matugunan ang problema sa pagbaha.

Nagsimula ang operasyon noong Setyembre 24, 2026, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palakasin ang mga hakbang laban sa pagbaha.

Layunin ng proyekto na mapalalim at mapalawak ang bahagi ng Sinucalan River upang mapahusay ang daluyan at pag-agos ng tubig.

Inaasahang makatutulong ang isinasagawang dredging sa pagbawas ng banta ng pagbaha, pag-apaw ng tubig sa nasabing ilog, at sa pagprotekta sa mga kalapit na komunidad, partikular sa panahon ng malalakas na pag-ulan.

Patuloy naman ang DPWH Region 1 sa pagsasagawa ng naturang operasyon bilang bahagi ng Oplan Kontra Baha. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments