Monday, August 31, 2026

20 kilong shabu, nasabat sa Cebu; dalawa, arestado

Arestado ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine Coast Guard (PCG), at Philippine National Police (PNP) ang dalawang indibidwal sa isinagawang buy-bust operation sa Purok Gaway-Gaway, Barangay Uling, Naga City, Cebu.

Kinilala ang mga suspek na sina alias Romy, 57 years old ,isang electrician, at si alias Dante, 47 years old isang construction worker ,parehong taga-Laguna.

Narekober sa kanila 20 vacuum-sealed packs na may timbang na 20 kilograms na shabu at tinatayang nagkakahalaga ng 136 million pesos.

Ang mga nasabing ebidensya ay isinumite sa PDEA 7 Regional Office Laboratory para sa tamang disposisyon habang ang mga suspek ay pansamantalang nasa kustodiya ng PDEA 7 sa Lahug, Cebu City.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at sakaling mapatunayang guilty maaari itong maharap sa habang buhay na pagkakakulong at multa ng nasa P10 milyon.

Facebook Comments