Thursday, July 23, 2026

QCPD, nakahanda na para sa pagsisiguro ng kaligtasan ng publiko sa araw ng SONA ng pangulo

Nakahanda na ang Quezon City Police District (QCPD) para sa deployment ng kanilang mga tauhan at sa pagsisiguro ng kapayapaan sa araw ng State of the Nation Address (SONA) ng pangulo sa Lunes, July 27.

Sisimulan ang skeletal o paunti-unting deployment sa Linggo, July 26, na susundan naman umano ng full deployment alas-3 ng umaga sa Lunes, July 27 para sa maximum police presence at operational readiness sa pagdadausan ng SONA.

Available din ang logistics resources ng QCPD, gaya ng mobile patrol units, communication equipment, barikada, at first aid teams.

Ayon sa QCPD, katuwang nila ang iba pang tauhan ng Philippine National Police (PNP) units at iba pang civilian organizations sa pagsisiguro ng kaligtasan ng publiko sa nasabing araw.

Sa kabilang banda, nakipag-ugnayan na rin umano ang QCPD sa iba pang ahensya, kasabay ng pagkakasa ng walkthrough inspection kasama ang Civil Disturbance Management (CDM ) Operations Refresher Training.

Dagdag pa rito, binigyan din ng lectures kaugnay sa Human Rights at Batas Pambansa Blg. 880 o Public Assembly Act of 1985 ang mga pulis para masigurong handa at equipped ang mga ito sa kanilang trabaho.

Facebook Comments