
Mas paiigtingin pa ng pamahalaan ang rehabilitasyon ng Manila Bay sa pamamagitan ng bagong barkong panglinis na MV Nilad.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Juan Miguel Cuna na kayang mangolekta ng MV Nilad ng mga basurang lumulutang sa dagat at tumugon sa oil spill gamit ang nakasakay nitong 300-meter oil boom.
Ang barko ay donasyon ng Republic of Korea sa pamamagitan ng Korea International Cooperation Agency (KOICA).
Inaasahang mas mapapabilis nito ang paglilinis at pangangalaga sa Manila Bay at iba pang katubigan sa bansa.
Facebook Comments










