May tubig baha pa rin ang ilang parte ng Roman Catholic Cemetery sa Dagupan City na mula pa umano sa mga nakaraang pag-ulan dulot ng mga bagyo at habagat.
Dahil dito, naging pahirapan tuloy ang pagdalaw at pagpunta ng mga residente sa mga namayapang mahal nila sa buhay.
Ayon kay John Magsano, caretaker ng Roman Catholic Cemetery, may plano na umano ang pamunuan ng lokal na simbahan na tabunan at pataasin ang naturang mga bahang lugar.
Samantala, lubog din ang ilang bahagi ng Bonuan Boquig Cemetery na siyang iniinda ng mga dumadalaw.
Matatandaang pinatabunan at nagsagawa na ng backfilling ang lokal na pamahalaan ng lungsod na siyang nagpataas sa papasok na daan ng naturang sementeryo.
Ayon sa mga awtoridad, patuloy nilang binabantayan ang nasabing sementeryo lalo upang maiwasn ang banta ng sunog habang nagtitirik ng kandila ang mga bisita dahil may nagtataasang halaman ang paligid ng ilan sa puntod. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








