PULIS SA CAGAYAN, PATAY SA PANANAMBANG

Nasawi ang isang pulis matapos tambangan at paulanan ng bala ng di pa nakikilalang suspek bandang alas-8:00 kagabi sa Barangay Libertad, Abulug, Cagayan.

Kinilala ang biktima na si Pmaj. Rafael Tangonan, residente ng Ballesteros, Cagayan.

Ayon sa PNP Abulug, isang concerned citizen ang nagreport na may nangyaring pamamaril partikular sa tapat ng isang hardware at construction supply na agad namang nirespondehan ng pulisya.

Pagdating sa lugar ng pinangyarihan ay tumambad sa mga pulis ang puting Toyota Hilux at ang biktima na tadtad ng tama ng bala gamit ang hindi pa natutukoy na kalibre ng baril.

Ayon umano sa ilang saksi, nakasakay ng kulay brown na Toyota Innova ang nagpa-ulan ng bala sa biktima.

Kasalukuyan naman ang isinasagawang hot pursuit operations ng Cagayan Police Provincial Office upang matukoy ang motibo at suspek sa likod ng krimen.

Facebook Comments