SUNDALONG NASUGATAN SA ENGKUWENTRO, NAIPASAKAMAY NA SA OSPITAL NG 5ID

Gamit ang dalawang air assets ng Tactical Operations Group o TOG 2, Philippine Air Force, matagumpay na naibiyahe mula sa Advanced Command Post ng 503rd Infantry Brigade sa Abra ang sugatang sundalo na si Pvt Marvin Ojascastro sa Headquarters ng 5th Infantry Division, Philippine Army sa bayan ng Gamu, Isabela.

Ipinasakamay si Pvt Ojascastro sa Camp Melchor F Dela Cruz Station Hospital ng 5ID para sa kanyang pagpapagaling.

Ang naturang sundalo ay nagtamo ng tama ng bala ng baril sa kaliwang binti matapos makasagupa ang mga elemento ng Komiteng Larangang Guerilla-North Abra noong November 04, 2022 habang nagsasagawa ng hot pursuit operation sa Barangay Mogao, Licuan-Baay sa lalawigan ng Abra.

Nagtagal ng hanggang labinlimang minuto ang sagupaan ng militar at NPA kung saan wounded-in-action si Pvt. Ojascastro.

Sa kasalukuyan, stable na ang kondisyon ng sugatang sundalo at nagpapalakas na lamang sa station hospital ng 5ID.

Facebook Comments