Tuesday, June 16, 2026

ANIM NA INDIBIDWAL, TUMALIKOD SA KILUSANG KOMUNISTA SA REHIYON 1

Patuloy na pinaiigting ng Police Regional Office 1 (PRO 1) ang kampanya nito laban sa insurhensiya matapos ang pagtalikod ng anim na indibidwal na may kaugnayan sa mga grupong Communist-NPA Terrorist (CNT) at ang kanilang pagbabalik-loob sa pamahalaan mula Hunyo 8 hanggang 14, 2026.

Ayon sa ulat ng PRO 1, dalawang dating tagasuporta ng kilusang komunista sa lalawigan ng Ilocos Sur ang pormal na nagbitiw ng kanilang suporta sa kilusan.

Samantala, apat na dating kasapi ng mga Communist Front Organizations (CFOs) ang kusang-loob na sumuko sa magkakahiwalay na aktibidad sa rehiyon, kung saan tatlo sa mga ito ay mula sa La Union at isa naman ay mula sa Dagupan City.

Patuloy namang hinihikayat ng PRO 1 ang mga natitirang miyembro at tagasuporta ng mga armadong grupo na magbalik-loob sa pamahalaan at makiisa sa pagsusulong ng kapayapaan at pag-unlad sa rehiyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments