Wednesday, June 10, 2026

Task Force El Niño, pinagana na ng DA kasunod ng onset El Niño na inanunsiyo ng PAGASA

Tiniyak ng Department of Agriculture o DA na tututukan nila ang magiging epekto ng El Niño sa bansa na posibleng magtagal hanggang sa mga unang buwan ng 2027.

Kasunod na rin ito ng onset El Niño na inanunsiyo kahapon ng DOST-PAGASA.

Sa pagtatanong ng DZXL RMN Manila kay DA Director IV Dir. Junibert E. De Sagun, pinagana na nila ang El Niño Task Force na kanilang binuo na magmo-monitor sa epekto ng naturang phenomenon.

Aniya, maraming ginagawang plano ang binuong grupo para tugunan ang epekto ng El Niño na siguradong makakaapekto sa mga magsasaka.

Naka-focus din ang task force sa pamamahagi ng mga resilient seeds o mga butong nakaka-adopt sa mainit at tuyong panahon, pagpapatayo ng mga irigasyon, pagsasagawa ng cloud seeding at ang mahigpit na pamamahala sa suplay ng tubig.

Facebook Comments