Pwersa ng militar at pulis, patuloy sa pagsamsam ng mga armas ng mga rebeldeng grupo

206

Nadagdagan pa ang bilang ng mga narerekober na mga armas ng Spear Troopers at Philippine National Police (PNP) mula sa Communist Terrorist Group.

Ito’y matapos ang isinagawang operasyon sa Barangay Bulala, Magallanes, Sorsogon, kahapon.

Ayon kay Lt. Col. Nelson Mico, Commanding Officer ng 22nd Infantry Battalion, ilang mga residente ang nagpaabot ng sumbong sa kanilang tropa at mga pulis tungkol sa mga nakatagong armas sa isang koprahan.


Agad namang tinungo ng militar at mga pulis ang nasabing lugar at doon tumambad sa kanila ang tatlong M16 rifle, isang KG9, tatlong anti-personnel mines, mga bala at iba pang mga kagamitang pang-propaganda.

Kasunod nito, naniniwala si BGen. Aldwine Almase, commander ng 903rd Infantry Brigade na dahil sa galit ng mga tao sa karahasang ginagawa ng mga teroristang grupo, kaya mas naging aktibo ang mga ito sa pakikipag-ugnayan sa awtoridad.

Matatandaang nito lamang nakaraang linggo dalawang miyembro ng CTG ang boluntaryong sumuko, bitbit ang kanilang mga armas at mga dekalibreng armas, bala at pampasabog naman ang nasamsam ng pinagsamang pwersa ng sundalo’t pulis sa Barangay Calmayon, Juban Sorsogon dahil din sa sumbong ng mga residente.



Facebook Comments