Tuesday, September 8, 2026

Dating House Speaker Romualdez, maituturing na “flight risk” —DILG

Kinokonsidera ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na “flight risk” si dating House Speaker Martin Romualdez.

Kasunod ito ng pagkakaroon nya ng dalawang private jet, tatlong helicopter, at tatlong yate ayon ito kay SILG Jonvic Remulla.

Aniya, gagawin nito ang lahat para mapigilan ang posibilidad nang pagtakas nito.

Nabatid na kasalukuyang nasa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City ang nasabing dating house speaker dahil sa cardiovascular event, hindi matatag na blood pressure, at anxiety attack nito.

Ayon pa kay Remulla, restricted ang galaw ni Romualdez sa ospital, 24/7 na bantay sarado ng dalawang armadong gwardya ang labas ng kuwarto nito at meron ring mga mobile patrol na nasa labas ng nasabing ospital.

Si Romualdez ay opisyal nang nasa kustodiya ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), at isa na syang Person Deprived with Liberty (PDL) matapos ang kasong plunder na isinampa sa kanya kaugnay ng anomalya sa flood control projects.

Facebook Comments