
Hihilingin ng National Bureau of Investigation sa Department of Justice (DOJ) na magpalabas ng Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) laban kay Batangas Rep. Leandro Leviste.
Ito ay matapos umalis ng bansa si Leviste noong Agosto sa kalagitnaan ng imbestigasyon sa tangkang “honey trap scheme” o bugaw modus laban kay Executive Secretary Ralph Recto.
Ayon kay National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag, hihilingin ang ILBO laban kay Leviste dahil sa kinakaharap nitong kasong qualified human trafficking.
Naniniwala naman si Matibag na sa ngayon ay posibleng nasa France pa umano ang mambabatas.
Samantala, hindi naman daw na-offend ang direktor ng NBI sa pahayag ni Leviste laban sa ahensiya.
Sa halip ay mas naoffend umano siya sa hindi pagharap ng kongresista sa kaniyang kaso.










