Monday, September 7, 2026

Bilang ng indibidwal na apektado ng Habagat at nga nagdaang bagyo, patuloy na mino-monitor ng DSWD

Naitala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang 10,246,388 indibidwal na apektado ng Habagat, na mas pinalakas pa ng Bagyong Luis, Maymay, Neneng, at Pilandok.

Sa pinakahuking talaan ng DSWD-Disaster Response Management ala-sais ng umaga ngayong Lunes, Sept. 7, mula ito sa 6,875 barangay sa 11 rehiyon sa bansa.

Kabilang dito ang National Capital Region, Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Eastern at Western Visayas, at Zamboanga Peninsula.

Samantala, 56,125 evacuees naman ang pansamantalang namamalagi sa loob ng 713 evacuations sa nasabing mga rehiyon, habang 84,080 katao naman ang pansamantalang nakikitira sa mga kakilala, kaibigan, o kaanak na hindi apektado ng sakuna.

Samantala, patuloy naman ang paghahatid ng tulong ng ahensya sa mga apektadong indibidwal gamit ang mahigir P4.36-billion na available resources; habang umabot naman na sa mahigit P2.11-billion ang naipamahaging humanitarian assistance ng ahensya.

Facebook Comments