
Itinakda sa Huwebes, Setyembre 10, ng Sandiganbayan 3rd Division ang pagdinig sa hiling ni dating House Speaker Martin Romualdez na Urgent Motion for Continued Hospital Confinement Under Custody.
Sa kanyang mosyon, hiniling ng kampo ni Romualdez na ipagpatuloy ang confinement niya sa Cardinal Santos Medical Center dahil sa kanyang kondisyon sa kalusugan.
Kabilang sa binanggit sa mosyon ang cardiovascular at coronary artery disease, hypertension at iba pang kondisyon. Sumailalim din umano si Romualdez sa angioplasty noong 2024.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP – CIDG) si Romualdez matapos isilbi sa kanya ang warrant of arrest kaugnay ng kasong plunder.
Nais naman ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na mailipat siya sa PNP General Hospital, ngunit nakasalalay pa rin sa Sandiganbayan ang magiging desisyon sa kanyang hospital confinement.










