Monday, June 29, 2026

QC-RTC, ibinasura ang P1-Billion case laban kina dating House Speaker Romualdez, Zaldy Co, at iba pa

Ibinasura ng Quezon City Regional Trial Court (QC-RTC) ang P1 billion civil case laban kina dating House Speaker Martin Romualdez, dating Ako Bicol party-list Representative Zaldy Co, Quezon City Fifth District Representative Patrick Michael Vargas, at iba pang respondents kaugnay ng umano’y maanomalyang flood control projects.

Sa isang kautusang may petsang April 15,2026 pero ngayon lang inilabas sa media, sinabi ng korte na hindi nito maaring aksyunan ang reklamo ng mga complainant matapos silang mabigong magbayad ng kinakailangang filing fees.

Ito’y sa kabila na nabigyan sila ng notice noon unang bahagi ng February 20, 2026.

Disyembre 2025 nang maghain ng kasong Abuse of rights and unjust enrichment ang grupong United People’s Against Corruption o UPAC sa pangunguna ni dating Quezon City Councilor Antonio Inton Jr.

Humihingi ang mga complainant ng P1-B na danyos dahil sa umano’y mga perwisyo ng mga pagbaha dahil sa palpak na flood control projects.

Ayon kay Inton, naghain na sila ng petition for certiorari sa Court of Appeals (CA).

Aniya, hindi pa pinal ang usapin dahil hindi ibinasura ang kaso batay sa merito nito.

Facebook Comments