
Naglaan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang P371.8 milyong pondo sa mga lokal na pamahalaan sa Zamboanga Peninsula sa ilalim ng Socio-Civic Project Funds (SCPF) – Bawat Barangay Makikinabang Program.
Kabilang dito ang mga lalawigan ng Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay, at ang Lungsod ng Zamboanga.
Ayon sa pangulo, layunin ng programa na makatulong sa mga pamilyang nangangailangan at mapalapit ang serbisyo ng pamahalaan sa mga komunidad.
Sa ilalim ng programa, bawat barangay ay tumatanggap ng P200,000 kung saan ilalaan ang tig- P100,000 para sa edukasyon proyekto pambarangay.
Ayon sa Malacañang, prayoridad ang Zamboanga Peninsula dahil sa mataas na antas ng kahirapan at pagiging madalas na apektado ng mga kalamidad.
Sa kabuuan, 17,769 barangay na ang nabigyan ng ayuda, na umabot na sa P3.55 bilyon ang halaga ng naipamahaging pondo sa buong bansa.










