Monday, June 29, 2026

ERC, pinalawig ang suspensyon ng GEA-All Collection para sa buwan ng July at August 2026

Pinalawig ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang temporary suspension sa koleksyon ng Green Energy Auction Allowance (GEA-All) para sa July at August 2026 billing months.

Layon nito na mabawasan ang pasanin ng consumers sa singil sa kuryente.

Ang GEA-All ay ang uniform charge na kinokolekta sa electricity consumers bilang bayad sa renewable energy (RE) developers sa ilalim ng Green Energy Auction Program (GEAP) ng pamahalaan.

Sakop ng suspension ang GEA-All rate na PhP 0.0371 per kilowatt-hour (kWh) mula sa sinisingil ng Distribution Utilities (DUs), Retail Electricity Suppliers (RES), at ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Tiniyak naman ng ERC na may sapat silang pondo para tustusan ang pagbabayad ng obligasyon sa renewable energy developers.

Facebook Comments