Tuesday, September 15, 2026

Ex-Speaker Romualdez, nananatili sa infirmary ng BJMP kasama ng iba pang regular na inmates

Kinumpirma ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na nananatili sa infirmary ng Quezon City Jail sa Payatas si dating House Speaker Martin Romualdez matapos na dalhin ito kagabi, September 14.

Ayon kay Remulla, kasama ni Romualdez sa hindi airconditioned na kwarto ang tatlong iba pang regular na person deprived of liberty (PDL).

Nakadepende naman sa doktor ng Philippine General Hospital kung hanggang kailan mananatili ang nasabing dating mambabatas sa infirmary.

Ayon pa sa kalihim, walang kasamang personal nurse at mga doktor ng BJMP ang kasalukuyang titingin sa kondisyon ni Romualdez.

Ngunit aniya, maaaring dumalaw ang personal na doktor nito sa mula 1:00 PM hanggang 5:00 PM, maliban lang sa Lunes.

Facebook Comments