Monday, September 14, 2026

Mga botante sa BARMM elections, pinaalalahanan na sundin ng mahigpit ang mga patakaran ng COMELEC

Hangad ni Lanao del Sur Representative Zia Alonto Adiong na magiging mapayapa at matagumpay ang kauna-unahang regular na eleksyon ngayong araw sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Bunsod nito ay hinihikayat ni Adiong ang mamamayan sa Bangsamoro na lumabas at bomoto para pumili ng kanilang mga lider.

Nananawagan si Adiong sa mga botante na sundin ang mga patakaran ng Commission on Elections (COMELEC) at tiyaking magiging maayos ang kanilang pagboto.

Giit ni Adiong, mahalagang mapanatili ang kapayapaan at huwag hayaang malagay sa alanganin ang mga nakamit sa proseso ng kapayapaan.

Facebook Comments