Wednesday, September 16, 2026

Mga pumping stations sa bahagi ng Roxas Blvd., pinasisiguro ng DPWH na walang magiging problema kapag muling umulan

Tiniyak ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na hindi na magkakaproblema o masisira ang mga limang pumping stations sa Roxas Blvd. sa Maynila.

Sa naging inspeksyon ni Dizon sa Remedios Pumping Stations, sinabi nito na lahat ng naging problema noong nakaraan ay kanina nilang niresolba ng paunti-unti.

Aniya, nagtalaga sila ng mga tauhan ng oras-oras na maglilinis sa mga pumping stations saka ito iipunin at hahakutin.

Bukod dito, binalaan din ni Dizon ang mga nagbabalak na manira o magnakaw sa mga pumping stations na mananagot sila sa batas kung saan mahigpit na seguridad ang kanilang ipapatupad sa pagbabantay sa mga ito.

Bawat pumping stations ay nakakonekta na rin sa suplay ng kuryente sa Meralco kung saan may mga bagong generator na rin na pang-back up sakaling mag-brownout.

Umaasa ang DPWH na sa pamamagitan nito ay mababawasan kahit papaano ang nararanasan pagbaha sa ilang bahagi ng Roxas Blvd., Malate at Taft Avenue.

Facebook Comments