Wednesday, September 16, 2026

Vlogger na si ‘Thinking Pinoy’ o RJ Nieto, itinalaga ni PBBM bilang assistant secretary sa Malacañang

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Rey Joseph “RJ” Nieto, na mas kilala bilang “Thinking Pinoy,” bilang Assistant Secretary ng Office of the Cabinet Secretary sa ilalim ng Office of the President.

Batay sa appointment letter na nilagdaan noong September 1, 2026, inatasan si Nieto na gampanan ang mga tungkulin ng nasabing posisyon alinsunod sa umiiral na batas.

Nakatutok ang nasabing tanggapan sa pagko-coordinate at pagpapatupad ng mga prayoridad na programa, proyekto, at polisiya ng administrasyon.

Nakilala si Nieto bilang political blogger at commentator na “Thinking Pinoy” at naging vocal supporter ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa mga nakalipas na taon, naging mas visible rin ang kanyang pakikipag-ugnayan sa pamilyang Marcos, kabilang ang mga public appearance kasama sina Pangulong Marcos at First Lady Liza Araneta-Marcos.

Facebook Comments