Tuesday, September 15, 2026

Grupo ng mga retiradong militar at unipormadong hanay, nagpahayag ng suporta kay Defense Sec. Teodoro kasunod ng paninindigan nito sa usapin ng West Philippine Sea

Umani ng suporta si Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr. sa mga retiradong miyembro ng militar gayundin ng mga nasa unipormadong hanay.

Ito kasunod ng paninindigan nito sa usapin ng West Philippine Sea nang siya ay bigyan ng isang note mula umano sa China habang sumasagot sa plenaryo ng Seoul Defense Dialogue sa South Korea kamakailan.

Ayon sa sa Retired Military and Uniformed Personnel for United Philippines (RMUP), ipinakita lamang ng Kalihim ang matapang niyang pagtatanggol sa karapatan at soberanya ng Pilipinas sa nasabing karagatan.

Hinimok din nila ang mga Pilipino kabilang ang mga opisyal ng gobyerno, mambabatas, komunidad at myembro ng militar, aktibo at retirado na makiisa sa pagtindig sa West Philippine Sea at patuloy na kilalanin ang 2016 Arbitral award.

Facebook Comments