Radyo Trabaho ng DZXL RMN Manila, patuloy na naghahatid ng extra-large na serbisyo sa Kabisig PH Gov’t Expo and Trade Fair 2019

Naging matagumpay ang opisyal na pagbubukas ng tatlong araw na Kabisig Philippine Government Expo and Trade Fair 2019 sa activity center ng Trinoma, kahapon.

Layon ng nasabing aktibidad na ipaalam sa taumbayan na maraming tanggapan ng pamahalaan ang maaring lapitan at hingan ng tulong.

Sa opening remarks ni ginoong Daniel Guillen, presidente ng Kabisig People’s Movement at presidente ng Kabisig Mindanao Foundation, Inc., hinikayat niya ang iba’t-ibang tanggapan ng pamahalaan na makiisa sa taunang pagtitipon.


Maswerte namang naimbitahan ang DZXL RMN Manila para maipakilala ang DZXL Radyo Trabaho block kabilang na dito ang Centro Serbisyo, Meet The Boss at Usapang Trabaho na mapapakinggan mula alas nuwebe hanggang alas dose ng tanghali.

Gayundin ang Straight to the Point na mapapakinggan Lunes hanggang Biyernes mula alas sais ng umaga hanggang alas nuwebe.

Samantala, nagbigay din ng short message ang tanggapan ng DTI, Intellectual Property Office of the Philippines, Social Housing Finance Corporation at National Printing Office (NPO).

Bukod dyan nagbigay din ng special number ng PNP Combo na nagbigay ng kasiyahan sa aktibidad.

Magtatagal ang Expo & Trade Fair bukas, February 28.

Facebook Comments