Rape Suspect – # 1 Most Wanted sa Leyte, Nadakip sa Naga City

Nahulog sa mga kamay ng pinagsamang operatiba ng Criminal Investigation and Detection Team (CIDT) ng Western Samar at Camarines Sur sa pakikipagtulungan CamSur Provincial Police Office at Naga City Police Office ang Number Most Wanted Person sa kasong RAPE sa bayan ng Babatngon, Leyte na nagtatago lamang pala sa Naga City.
Kinilala ang suspect na si JOJIE SAN MIGUEL Y Cañete, 25, binata at dating residente ng Barangay San Ricardo sa munisipyo ng Babatngon, Leyte.
Ayon sa report, bandang alas 7 ng gabi kahapon ng matunugan ng kapulisan ang suspect sa Naga City People’s Mall sa Barangay Igualdad. Kaagad siyang inaresto sa bisa ng Warrant of Arrest na pinalabas ni Judge Lauro A. Castillo, Jr. ng Regional Trial Court Branch 7 ng Tacloban na bahagi ng 8th Judicial Region.
Si San Miguel ay napag-alamang pansamantalang nagtatago at naninirahan sa Barangay Cararayan, Naga City bago siya nahuli sa main market site ng Naga City.
Ang nasabing kaso ay ‘no bail recommended’ at kasalukuyang nasa kustudiya ng CIDG CamSur ang suspect habang isinasagawa ang koordinasyon para maibyahe patungong Leyte para maiharap sa korte.

Facebook Comments