
Hinamon ni House Senior Deputy Minority Leader at Mamamayang Liberal Party-list Representative Leila de Lima ang administrasyon na patunayang seryoso ito sa pagtataguyod ng hustisya at pananagutan.
Sabi ni De Lima, magagawa ito ng administrasyon sa pamamagitan ng muli nating paglahok sa International Criminal Court (ICC).
Mensahe ito ni De Lima makaraang madismaya sa pagiging malamig ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., sa mga mungkahi na simulan na ang proseso ng muling paglahok ng Pilipinas sa ICC.
Giit ni De Lima, ang pagbalik sa ICC ay hindi opsyon na dini-dribble lang nang dini-dribble, kundi isang obligasyon na dapat nating gawin nang walang pinipiling panahon.
Facebook Comments










