
Nakipagpulong ang Department of Migrant Workers (DMW) sa mga recruitment agency para sa mas maayos na deployment ng Overseas Filipino Workers (OFWs).
Ayon sa DMW, bahagi ito ng pagpapalakas ng proseso ng pag-re-recruit at pag-de-deploy ng OFWs.
Partikular na tinalakay ang documentary requirements, checklists, processes, at timelines na naaayon sa mandato ng DMW.
Suportado naman ng mga recruitment agency ang dayalogo para sa pagpapanatili ng integridad ng licensing system.
Facebook Comments










