Saturday, June 27, 2026

Itinatayong dialysis center sa Quezon City, pinakamalaking sa Southeast Asia — PBBM

Ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang itinatayong bagong Hemodialysis Building sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) ay magiging pinakamalaking dialysis center sa Southeast Asia.

Sa pag-inspeksyon niya sa proyekto sa Quezon City, iniutos ng Pangulo na pabilisin ang konstruksyon upang mas maraming pasyenteng may chronic kidney disease (CKD) ang agad na mabigyan ng dekalidad na gamutan.

Ayon kay Pangulong Marcos, mahigit 11% ng mga Pilipino ang may CKD kaya kailangang palawakin ang kapasidad ng bansa sa dialysis treatment.

Kasabay nito, sinabi rin ni Marcos na itinaas na ng PhilHealth ang benepisyo para sa dialysis patients, kabilang ang dagdag na hemodialysis sessions at mas mataas na coverage kada treatment.

Paiigtingin din aniya ng pamahalaan ang mga programa sa pag-iwas at maagang paggamot sa sakit sa bato.

Facebook Comments