Thursday, July 2, 2026

DOJ, patuloy ang evaluation sa Aurora drowning incident matapos matanggap ang dagdag na referral mula sa CIDG

Idadagdag ng Department of Justice (DOJ) sa unang referral ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang karagdagang rekomendasyon na isinumite sa kanilang tanggapan kahapon.

Ito ay kaugnay pa rin sa imbestigasyon ng DOJ sa insidente sa Dipaculao, Aurora na nagresulta sa pagkasawi nina Rene Baterbonia at Divine Adili.

Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, natanggap nila ang supplemental referral kaugnay pa rin sa naturang kaso.

Pero kalakip nito ang rekomendasyon na magsampa ng reklamong Homicide at Reckless Imprudence Resulting in Homicide depende sa lalabas sa ebidensiya.

Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang evaluation ng Justice department sa rekomendasyon ng CIDG.

Facebook Comments