Friday, June 26, 2026

DOJ, hindi pa natatanggap ang rekomendasyon kaugnay sa pagkasawi nina Rene Baterbonia at Divine Adili

Wala pang natatanggap ang Department of Justice (DOJ) na kopya ng referral o complaint laban kina dating Ateneo Men’s Basketball head coach Tab Baldwin.

Ito ay kasunod ng pahayag ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) na inirekomenda nila sa DOJ na magsagawa na ng preliminary investigation sa umano’y posibleng paglabag sa Anti-Hazing Act nina Baldwin at iba pang may kinalaman sa pagkasawi ng dalawang estudyante sa Dipaculao, Aurora.

Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez hindi pa rin tiyak kung aktwal na complaint ito at kung anong oras ipadadala sa kanila.

Una nang sinabi ni Interior Secretary Jonvic Remulla na ngayong Biyernes ipadadala sa DOJ ang resulta ng kanilang findings sa pagkasawi nina Rene Baterbonia at Divine Adili.

Facebook Comments