
Iginiit ng Malacañang na tuloy-tuloy ang imbestigasyon at pagpapanagot sa mga sangkot sa umano’y korapsyon sa mga flood control project.
Pahayag ito ng Palasyo matapos pahayag ng mga lumahok sa White Ribbon Movement March na wala pa ring napapanagot kahit halos isang taon matapos ibunyag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isyu sa kanyang State of the Nation Address (SONA).
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, dapat ding tingnan ng publiko ang mga hakbang at updates na inilalabas ng pamahalaan kaugnay ng mga isinasagawang imbestigasyon.
Tuloy-tuloy naman aniya ang trabaho ng Ombudsman, Department of Justice (DOJ), at Department of Public Works and Highways (DPWH) upang makasuhan at mapanagot ang mga sangkot.
Umaasa ang Malacañang na makikita ng publiko ang mga naging hakbang at resulta ng kampanya laban sa katiwalian sa flood control projects, kahit wala pang isang taon mula nang ilantad ng pangulo ang isyu.










