Sunday, October 11, 2026

Red Alert at Yellow Alert, muling itinaas sa Visayas Grid ngayong araw

Muling nagdeklara ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ng Red Alert at Yellow Alert sa Visayas Grid ngayong Lunes.

Ayon sa NGCP, ipatutupad ang Red Alert mula alas-6:00 hanggang alas-7:00 ng gabi. Samantala, Yellow Alert naman mula alas-3:00 hanggang alas-6:00 ng hapon, at muling ipatutupad mula alas-7:00 hanggang alas-9:00 ng gabi.

Kabilang sa mga dahilan ng alert status ang hindi pagtakbo ng malalaking coal plant na TVI 1 at PEDC 3, pagbaba ng kapasidad ng THVI 2 dahil sa problema sa main steam system, at limitadong power import mula sa Mindanao.

Sinabi ng NGCP na may walong planta ang kasalukuyang naka-forced outage ngayong Setyembre, habang lima pa ang nananatiling offline mula Agosto, bukod pa sa iba pang mga plantang hindi pa rin nakababalik sa operasyon mula mga nakaraang buwan.

Mayroon ding 15 planta na tumatakbo sa derated capacity, dahilan upang umabot sa 818.9 megawatts ang kabuuang hindi magamit na kapasidad ng grid.

Ang Red Alert ay ipinatutupad kapag kulang ang suplay ng kuryente upang matugunan ang demand at kinakailangang reserba ng grid, habang ang Yellow Alert ay indikasyon na manipis ang operating reserve at maaaring maapektuhan ang suplay kapag may biglaang aberya.

Facebook Comments