Konsumido ang ilang taxi drivers na madaling araw pa lang ay nakapila na sa tapat ng gate ng Land Transportation Office (LTO) sa Quezon City.

Maliban sa puyat at wala pang kain, nainis din sila dahil wala ang kanilang pangalan sa Batch 1 o 714 na pangalan sa master list na inilabas ng LTFRB na mabibigyan ng Fuel Subsidy Asssistance ngayong araw gayong nakapagpasa na umano sila ng mga kaukulang dokumento bago pa mag-Holy Week.

Dahil dito, napilitan na silang pumila isa-isa at magpasa ulit ng mga dokumento para mapabilang sa ikalawang batch na hindi rin alam kung kailan mabibigyan.

Samantala, ang iba sa kanila ay hindi pa kumakain ng umagahan at rekta biyahe rin sila mamaya pagkatapos makakuha ng ayuda o magpasa ng dokumento.

Bwelta naman ng mga tauhan ng LTFRB, inanunsyo nila sa kanilang Facebook page ang kailangang gawin ng mga kabilang sa pay out at sa mga magpapasa pa lang ng dokumento.

Facebook Comments