Monday, August 24, 2026

Sen. Loren Legarda, extended ang medical leave hanggang Setyembre 2

Kinumpirma ni Senate Secretary Renato Bantug Jr., ang extension ng medical leave ni Senator Loren Legarda.

Ayon kay Bantug, nagpadala ang tanggapan ni Legarda ng notice ng kanyang leave sa impeachment trial at plenary sessions mula August 24 hanggang 26 at September 1 at 2.

Hindi naman idinetalye kung ano ang karamdaman ng senadora at kung nasaan ito.

Ito ang ikaapat na medical leave ni Legarda mula noon pang August 3.

Naunang kinumpirma ng mga awtoridad na umalis ng bansa si Legarda papuntang France noong August 2 ilang araw matapos na banggitin ng Office of the Ombudsman na iniimbestigahan ang maginang Legarda at Cong. Leandro Leviste tungkol sa P10 billion na ghost solar projects.

Facebook Comments