Thursday, August 20, 2026

Imbestigasyon sa kaso laban kay dating House Speaker Martin Romualdez, hindi maaapektuhan ng recantation ni Orly Guteza

Hindi na bago para sa Office of the Ombudsman ang pagbawi ng naunang salaysay sa mga high-profile case, partikular ni Orly Guteza, dating bodyguard ni former Congressman Zaldy Co.

Kasunod ito ng pagbawi ng testimonya ni Guteza kagabi, August 19, kaugnay ng nauna niyang sinabi na naghatid umano siya ng maletang naglalaman ng pera kay dating House Speaker Martin Romualdez.

Ayon sa ahensya, hindi umiikot sa iisa o sa iilang witness ang imbestigasyon.

Dagdag pa rito, nasa ilalim na umano ng legal process ang dalawampu’t walong (28) testigo ng Office of the Ombudsman, na kapuwa mga nakauniporme at aktibo pa rin sa serbisyo, para makapagbigay ng direkta at materyal na kaalaman sa mga transaksyong iniimbestigahan sa kaso ni Romualdez.

Giit pa ng ahensya, obligasyon sa batas at hindi choice ang pakikipagtulungan ng mga testigo sa nasabing imbestigasyon.

Facebook Comments