
Nagsagawa ng isang orientation ukol sa mga programa at serbisyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) para sa Persons Deprived of Liberty (PDL), dating PDL, at kanilang mga pamilya sa Urdaneta District Jail Female Dorm.
Ang programang ibinahagi ay ang mga oportunidad sa kabuhayan, employment facilitation, at skills development na layong makatulong sa muling pagbangon ng mga PDL at kanilang pamilya.
Pinangunahan ang aktibidad ng nasabing pasilidad sa ilalim ng pamumuno ni Acting District Jail Warden JINSP Lilia E. Ventura, bilang bahagi ng kanilang Welfare and Development Program at Help Desk Program, katuwang ang DOLE.
Binigyang-diin din sa aktibidad ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Program bilang isang pansamantalang mapagkukunan ng hanapbuhay para sa mga dating PDL at kanilang mga kaanak.
Aktibong lumahok sa nasabing orientation ang mga jail personnel, kasalukuyang PDL, at mga pinalayang PDL, na nagsilbing mahalagang hakbang sa pagpapalakas ng kanilang kaalaman at paghahanda sa muling pagbabalik sa komunidad.
Ayon sa pamunuan ng Urdaneta District Jail Female Dorm, patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang matiyak ang pagbibigay ng sapat na suporta at oportunidad para sa rehabilitasyon at reintegrasyon ng mga PDL at kanilang pamilya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








