Thursday, April 16, 2026

MAHIGIT 1,100 APLIKANTE, DUMALO SA BANGUS FESTIVAL MEGA JOB FAIR SA DAGUPAN

Nasa 1,137 na aplikante mula sa iba’t ibang lugar ang dumalo sa isinagawang Bangus Festival Mega Job Fair na ginanap sa CSI Big Atrium sa lungsod ng Dagupan noong Abril 14.
Pinangunahan ng Department of Migrant Workers (DMW) katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Dagupan, ang naturang aktibidad na naglalayong makapagbigay ng oportunidad sa lokal at overseas employment para sa mga naghahanap ng trabaho.
Naging katuwang din sa programa ang Public Employment Service Office (PESO), Department of Labor and Employment (DOLE), at iba pang mga ahensya.
Ayon sa Pamahalaang lokal, mahalaga Ang pagkakaroon ng hanap Buhay upAng maiangat ang antas ng pamumuhay ng bawat pamilya.
Ang job fair ay bahagi ng selebrasyon ng Bangus Festival na taunang ipinagdiriwang sa lungsod ng Dagupan tuwing buwan ng Abril na kung saan ang mga mamamayan ay magkakaroon ng bagong oportunidad sa iba’t-ibang trabaho na kanilang maaaring pasukan o pag apply-an. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments