Thursday, April 16, 2026

MGA BARANGAY DISASTER RESPONSE VOLUNTEERS, SUMAILALIM SA DAY 2 NG BASIC LIFE SUPPORT AT FIRST AID TRAINING

Mas pinaigting ang kaalaman at kakayahan ng mga Barangay Disaster Response Volunteers sa ikalawang araw ng Basic Life Support at First Aid Training (Batch 2) na isinagawa sa lungsod ng Alaminos.
Sa pangunguna ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) at sa suporta Pamahalaang lokal, sumailalim ang mga kalahok sa mas masusing hands-on training upang maisabuhay ang mga natutunan mula sa unang araw ng pagsasanay.
Pinagtibay sa naturang aktibidad ang kahandaan ng mga boluntaryo sa pagtugon sa iba’t ibang uri ng emerhensiya, kung saan kanilang isinagawa ang mga aktwal na senaryo na nangangailangan ng mabilis at tamang aksyon.
Ipinakita rin ng mga kalahok ang kahalagahan ng pagtutulungan at tamang koordinasyon lalo na sa mga sitwasyong kritikal at nangangailangan ng agarang responde.
Ayon sa mga organizer, layunin ng pagsasanay na higit pang mapalakas ang kakayahan ng mga volunteer upang maging epektibong katuwang ng pamahalaan sa pagtitiyak ng kaligtasan ng komunidad.
Sa pagtatapos ng ikalawang araw, mas naging handa at kumpiyansa ang mga kalahok na harapin ang anumang sakuna, dala ang kaalaman at kasanayang maaaring makapagligtas ng buhay. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments