
Magkakasabay na panawagan mula sa iba’t ibang progresibong grupo ang maririnig sa tapat ng isang gasolinahan sa Philcoa, Commonwealth Avenue ngayong April 21.
Kabilang sa mga lumahok ang PISTON at MANIBELA, na nananawagan ng pagtanggal ng excise tax at value-added tax sa langis, gayundin ang pagbabasura ng oil deregulation law.
Dagdag pa rito, iginiit ng mga grupo ang pagpapababa ng presyo ng mga bilihin at panawagan na ihinto ang tensyon sa Middle East.
Ayon sa kanila, hindi lamang mga tsuper ang apektado ng kasalukuyang krisis kundi pati na rin ang mga commuter.
Lumahok din sa kilos-protesta ang Alliance of Concerned Teachers, Anakpawis, at iba pang sektor.
Facebook Comments










