
Magpapatuloy ang work-from-home (WFH) arrangement ng Commission on Elections (Comelec) sa kanilang mga tanggapan sa buwan ng Mayo.
Ayon sa poll body, bahagi pa rin ito ng kanilang suporta sa polisiya upang makatipid sa pagkonsumo ng kuryente.
Dahil dito, sarado ang mga opisina ng Comelec sa darating na May 4, 11, at 25, na pawang mga Lunes.
Gayunman, bukas ang lahat ng kanilang opisina sa May 18, na huling araw ng voter registration.
Tuloy-tuloy naman ang operasyon mula Martes hanggang Sabado, alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon, para sa voter registration, pagkuha ng voter certification, at iba pang transaksyon.
Hinihikayat pa rin ng Comelec ang publiko na magparehistro para sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa November










