
Nanumpa na kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Mel Senen Sarmiento bilang bagong Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU).
Papalitan ni Sarmiento si Carlito Galvez Jr. na nagretiro na sa serbisyo.
Bilang bagong pinuno ng OPAPRU, pangungunahan ni Sarmiento ang mga programa ng pamahalaan para sa kapayapaan, pagkakaisa, at kaunlaran sa mga lugar na apektado ng kaguluhan at kahirapan.
Si Sarmiento ay dating kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino.
Nagsilbi rin siyang kongresista ng unang distrito ng Samar at naging alkalde ng Calbayog City sa loob ng tatlong termino.
Facebook Comments










