
Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) sa publiko ang full transparency at mahigpit na pagsunod sa mga legal na proseso habang nananatilli sa PNP General Hospital si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan.
Nabatid na ibinalik ito sa ospital ng PNP matapos na hindi matuloy ang arraignment nito sa Sandiganbayan dahil sa concern ng doctor sa blood pressure nito.
Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., ipapatupad ng PNP ang court order ng patas at walang pinapaburan.
Aniya, inatasan na nya ang PNP Health Service at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na panatilihin ang transparency, paigtingin ang seguridad at tiyakin na walang VIP treatment .
Tiniyak naman ni Nartatez na sakaling maclear na ang medical records ni Bonoan ay ituturn over nila ito agad sa hukuman.










