Thursday, July 30, 2026

Imbestigasyon sa flood control scandal, hindi dapat ituloy ng Kamara

Nanindigan si House Majority Leader Rep. Sandro Marcos na hindi na dapat ituloy ng House of Representatives ang imbestigasyon ukol sa korapsyon sa flood control projects.

Katwiran ni Rep. Marcos, hindi nararapat na siyasatin ng Kamara ang flood control scandal dahil ilan sa mga miyembro nito ang inaakusahang sangkot sa naturang anumalya kaya baka hindi maniwala ang publiko sa magiging resulta ng kanilang imbestigasyon.

Para kay Cong. Sandro, makabubuting hayaan na lang ang Ombudsman at iba pang kaukulang ahensya na magsagawa ng imbestigasyon.

Sabi pa ni Marcos, kapag sila ay nag-imbestiga sa flood control scandal ay para silang mga estudyante na hinayaang i-check at lagyan ng grado ang sarili nilang examination papers.

Magugunitang inihinto noon ng House Infrastrature Committee ang pagsisiyasat sa maanumalyang flood control projects para bigyang daan ang imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastracture (ICI).

Facebook Comments