Friday, July 31, 2026

Pagpapaigting ng mga hakbang laban sa banta ng IED, tinalakay sa symposium ng PNP

Pinangunahan ni Philippine National Police (PNP) Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., ang closing ceremony ng Improvised Explosive Device (IED) Threat and Security Symposium na ginanap sa Malay City, Boracay Island, Aklan, ngayong araw, July 31.

Nilahukan ito ng 55 na mga PNP personnel, Bureau of Customs (BOC) at ng foreign counterparts ng bansa.

Layon ng nasabing symposium na mapalakas ang technical knowledge sa IED identification, analysis, at investigation para masuportahan ang malakas na case build-up at mapanagot ang mga lalabag.

Bahagi ito ng pagpapaigting ng PNP ng kanilang security protocols upang protektahan ang publiko mula sa anumang insidente lalo na sa mga pangunahing tourist destination sa bansa gaya ng Boracay.

Facebook Comments