Wednesday, July 22, 2026

Mahigit ₱1.4-M halaga ng ilegal na sigarilyo, nakumpiska sa 4 na tindahan sa Caloocan at Malabon

Nakumpiska ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Anti-Fraud and Commercial Crimes Unit (AFCCU) kasama ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang ilang mga ilegal na sigarilyo sa Brgy. Camarin, Caloocan City at Brgy. Hulong Duhat, Malabon City.

Nagsimula ang operasyon mula sa hiling ng law enforcement assistance ng BIR kaugnay ng pagdami ng mga produktong tabacco na may pekeng BIR stamps sa mga lugar sa CaMaNaVa.

Kung saan tinatayang nasa higit 1.4 million pesos na mga sigarilyo ang nakumpiska ng mga otoridad sa 4 na mga tindahan sa nasabing mga lugar.

Tiniyak naman ng CIDG SA BIR na handa itong tumulong at sumuporta sa efforts ng pamahalaan para mapangalagaan ang lehitimong kalakalan at ekonomiya ng bansa.

Facebook Comments