Monday, July 27, 2026

Mga dati at kasalukuyang pulitiko na sangkot sa PDAF scam at graft, ipinapaaresto ng Sandiganbayan

Naglabas ng warrant of arrest ang Sandiganbayan Third Division laban kina dating Sultan Kudarat 2nd District Rep. Arnulfo Go, dating Mayor Dionesio Besana, at dalawang empleyado ng munisipyo.

Ito ay kaugnay ng kasong malversation na may kaugnayan sa kontrobersyal na Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam.

Bukod sa utos ng pag-aresto, nagpalabas din ang anti-graft court, sa pamumuno ni Associate Justice Karl Miranda, ng hold departure order laban sa mga akusado.

Maging si Uswag Ilonggo Rep. James “Jojo” Ang Jr. ay ipinapaaresto na rin ng Sandiganbayan Third Division, na nagpalabas din ng hold departure order laban sa nasabing kongresista.

Nahaharap si Ang Jr. sa kasong graft na inihain ng Office of the Ombudsman dahil sa umano’y financial interest niya sa isang construction firm.

Ang naturang kumpanya ay isa sa mga nakakuha ng mga kontrata mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) noong panahong nanunungkulan pa si Ang Jr. bilang kongresista.

Facebook Comments